Friday, June 16, 2006

si john lloyd, ang mashed potato at ang straw

nang minsang may matinding lungkot at pagod
naisipan kong magbigay sa sarili ng lugod

nilibre ang sarili
nanood ng sine

tandang-tanda ko
huling linggo ng close to you

   bakya na kung bakya,
   jologs na kung jologs
   gusto ko lang malibang
   may masama ba dun?

bumili rin ng kakainin
konting pera dapat sulitin

pumasok na sa sinehan
eh, nandun ata'y 10 tao lang

eto na, makakatakas na sa problema!
konting trailer lang at simula na

burger ng kfc sinimulang kainin
at uminom na rin

sinimulan ang mashed potato
nasan ang tinidor?... susko!

"hingang malalim, min min
ito'y malalampasan mo rin"

gusto ko na ng mashed potato
pero pa'no na to!

yung straw sa inumin nakita
ginawa ko, tinupi sa gitna

may tongs na kong parang chopsticks!
o, di ba? ang straw pala'y may tricks!

ayan na si john lloyd, sam milby at bea
nakakaaliw, nakakatawa, ok talaga

si john lloyd si manuel doon
sa pelikula talaga, ayos yon

siguro'y lahat ng babae nga
sa isang manuel magiging masaya

pag-ibig nya'y wagas
at totoong totoo, naks!

natapos ang sine
sa labi'y may ngiti

di lumampas sa 200 piso
busog ang tyan, damdamin at puso

kaya, manood kayo ng close to you
kung tipid ka, sa cinemaone, hintayin mo

mag-take out na rin mula sa kfc
  pag mashed potato, siguraduhing may tinidor ;)

1 Comments:

Blogger min said...

anna! :) masaya gumamit ng sariling wika ;)

salamat sa pagbisita!

4:33 AM  

Post a Comment

<< Home