hindi iiyak
pwede bang magpasa ng final paper at kumuha ng final exam sa grad school, magpasa ng requirements sa trabaho at magturo sa loob ng isang araw? pwede!! lahat yan, naranasan ko lang nung lunes. kaya katakot-takot na dasal ang ginawa ko ilang araw bago ang makasaysayang araw na yan... maski ata umiyak, nawalan na ko ng panahon. matinding sakit ng ulo ang inabot pagkatapos nun. dahil pagod pa rin, di pa rin makaiyak. pagkatapos, ginawa ang ilang backlog ng mga sumunod na araw -- hanggang umabot ang huwebes... nagkaroon ng maikling seremonya ang mga guro para sa mga magtatapos. hay, yun lang pala makakapagpaiyak sa kin.
mami-miss ko talaga ang sixtreme. (mga undergrads, pwede nyong iparating sa mga ate nyo ang mensahe kong ito :) ) una akong nagturo sa kanila. kalahating taon ko sila nakasama nung 2nd year sila, at isang buong taon ngayon. ang pinaka hindi ko malilimutan sa sixtreme ay ang kanilang pagiging mapagpakumbaba. sasabihin nila kung kailangan pa ng tulong. makikita rin sa marami sa kanila ang kagustuhang patuloy na mapabuti ang sarili.
nung tinugtog ito minsan, naalala ko ang sixtreme...
"ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan"
- minsan, eraserheads
maligayang pagtatapos! gabayan nawa kayo lagi ng Diyos sa inyong mga tatahaking landas!
bisita kayo lagi sa holy! :)


7 Comments:
Ms. Lagud! mamimiss din namin kayo! favorite ka namin eh! hahaha! thanks sa lahat Ms. Lagud! yeys yeys, bisita kami;)
uy, hi! :) balita ko enjoy daw ang grad ball :)
Tama Kaye! :D Favorite ka po namin eh! Nahhyper po kami kapag kayo na magtuturo! Mamimiss namin kayo! Lalo na yung corny jokes! Wahahaha:D
we.will.miss.you... MOOOORE!!! haha wala lang. salamat po sa lahat, ms. lagud!!! Take care and goooodluck with everythinggg!!
thanks hannah, klaudine :)
Hi miss! mas mamimiss po namin kayo! Hindi niyo lang alam pero favorite ka po talaga namin. Hehe! Salamat po sa lahat ng memories pati sa inspiration. :) Babalik at babalik din po kami huwag kayo mag-alala hehe!
hindi ko kaya kayo mamimiss. kaya nga bumabalik ako para magpaturo eh. hahahha ang labo. pero mas malabo ang math na nararanasan ko ngayyoooooonnnnn ayoko naaaa... haha papaturo nalang po ako ulit. haha miss ko na po kayoooo! at syempre ikaw! haha go MIS. haha
Post a Comment
<< Home