Tuesday, October 18, 2005

bale... ganon na lang?

kung tutuusin, karamihan sa mga pinoy masipag mag-aral. kung ikukumpara sa mga taga-ibang bansa, mas masipag talaga tayo. hindi ka na kailangan magtaka kung makakarinig ng mga kwento mula sa mga nangibang-bayan na: "di ko na kailangan mag-aral, nakakapasa ako", minsan nga di lang pasado, nangunguna pa. kung masipag at matalino ang pinoy, san na kaya napupunta ang lahat ng ito? kung yung mga di pinoy, di natin kasipag, ba't ganon na lang kaunlad ang bansa nila? tapos tayo, malapit nang maging kulelat. ito nga ba ang sinasabing brain drain? nung una kong nalaman ang konsepto ng brain drain, di ko ito lubusang naintindihan. eh kaso sobrang nakakaawa na ang pilipinas kaya siguro kung anu-ano na lang ang napagmumuni-munihan ko. may nabasa o narinig din akong ganitong pananaw: "oo nga't marami tayong OFWs na kumikita ng dolyar para sa pilipinas pero wala sila rito." eh kung nga naman yung sipag at talino nila ay naipuhunan dito mismo sa 'tin, maghihirap pa kaya tayo? sasabihin naman ng iba, wala na kasing nakikitang pag-asa yung mga taong yun kaya umaalis na lang sila. sabi nga ng bamboo: "anong balita sa radyo at tv? ganon pa rin, kumakapa sa dilim. minsa'y naisip ko nang umalis na lang dito, 'limutan ang lahat, lumipad, lumayo." lahat ata ng pinoy in search of a greener pasture elsewhere o di kaya'y pilit isinisiksik ang sarili sa amerika sa pagkamit ng tinaguriang the great american dream, pa'no na ngayon ang pilipinas? di ba nila kasama ito sa kanilang mga pangarap?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home