ortigas
napadpad kami kamakailan sa ortigas. hay, ortigas hehe. ang dami kong memories dito!
bukas pa kaya ang limits? gumimik kami minsan dun ng college friends.
sa ortigas din ako nag-practicum. sa isang internet service provider. coldfusion pa nga ang pinagamit sa 'min nun, susko! nahirapan ako, first time nasabak sa programming sa "real world". sa pagco-commute papasok ng office, first time din akong nahuli ng pulis sa kasong jaywalking sana. pano naman, crossing ilalim pala ang nasakyan kong bus, dapat pala crossing ibabaw. ayan, ibinaba ako sa gitna ng edsa. tamang-tamang may pulis! kala ko pagmumultahin na ko o kaya pakakantahin ng lupang hinirang sa gitna ng daan. buti hindi! tinanong ako nasan id ko, paglabas ko ng ID, nalaman nyang bata pa ko :P at naramdaman niya sigurong P100 lang ang laman ng wallet ko. gusto ko na talagang maiyak nun! hehehe...
pagka-graduate, sinuyod ko ang ortigas para makahanap ng trabaho. as in nagpaltos na ata ang mga paa ko kalalakad sa ortigas. maraming tumatawag for interview, pero hanggang ganon lang, interview. hay, ewan ko ba! di natutuloy sa job offer. nakabisa ko ang mga kalyeng tulad ng emerald at ruby st., ang madalas nadadaanang jollibee bldg., ang san miguel ave. at syempre ang san miguel ave., ang tektite twin towers, ang UA&P...
nasa may ortigas din ang megamall, ang edsa shrine na pinupuntahan ko lagi dati buwan-buwan; ang galleria, ang podium, ang meralco theater at marami pang iba.
ortigas! iba ka :) magkikita pa uli tayong maraming beses ;)


0 Comments:
Post a Comment
<< Home