Friday, January 07, 2005

MG fanatic

ganon na lang siguro ang gayumang meron ang meteor garden kaya't kahit anong telenovelang mapanood ko siguro ay maikukumpara ko dun.

meteor garden at lovers in paris
di ko pa natatapos ang kwento ng lovers pero ayun, marami na kong napansing pareho sa kanila. magkatulad ang kapalaran ni vivian at shan cai. pareho silang mahirap na na-in-love sa isang mayaman. si shan cai kay dao ming si at si vivian kay carlo. syempre andyan ang mga kontrabida, ang nanay ni dao at ang ate-nanay ni carlo, parehong matapobreng, akala mo kung sino, tipong yung mababato mo talaga, kung di lang masisira ang picture tube ng tv mo :P di ba maraming babaeng aali-aligid kay dao? ganon na ganon din kay carlo. sa mg, hinding-hindi mo rin makakalimutan ang role ni hua zhe lei, ang dakilang nagmahal kay shan cai. haay, lei! marami sanang kagaya mo :) di ba ganon si martin ngayon sa buhay ni vivian? medyo pikon nga lang itong si martin dahil di nya matanggap na si carlo ang napili ni vivian. eto pa! parehong artist ang mga mokong. si lei-violinist, si martin- magaling mag-drawing. tingnan mo nga naman! di kaya nag-kopyahan ng manuscript ang mga writers nila?! :)

meteor garden at hiram
eto naman, maliban sa araw-araw na pag-iyak ni heart bilang margaret, pansin na pansin ang walang kupas na "amnesia" moments na laging nagagamit sa mga telenovela. hmmm.. di ko lang kasi ito masyadong na-research pero marami ba talagang kaso ng amnesia? :P ba't parang lahat ata ng mga artista ay magkakaroon at magkakaroon ng role ng isang may amnesia?! hehehe... at tingnan nyo.. sa mg at hiram, parehong yung lalaki ang nagka-amnesia- ang dahilan?! parehong car accident, o di ba?! tapos sa panahong may amnesia sila, pareho silang na-inlove sa isa pang babae, si yesha para kay dao, at si stephanie para kay harry. binigyan pa nga ng mga bagong pangalan ang mga amnesia kings -- si dao, naging ashing (ay, tama nga ba?) at si harry bilang andrew. cry to death naman itong sina shan cai at margaret at pilit na hinanap ang nawawalang pag-ibig nila.

ayun, ilan lang to sa mga napapansin ko sa mga kwento ng mga telenovela, solid MG fans ba ang mga scriptwriter? ;)... well, ako, oo (kahit di ako writer at feeling writer lang) :)

susko! talagang lumabas ang aking pagka-jologs! :P ... hindi rin naman :) aba! pwede nga itong paper para sa film/media review di ba? :D hmm.. ano naman kaya ang pagkakapareho nila ng krystala? hahaha

7 Comments:

Blogger babyburn said...

hahaha! min! nakakatawa ka!!!!

hehehe...come to think of it...ang mg kasi may mga elements talaga ng isang patok na telenovela...at mananatiling #1 sa puso natin!
shet...nagsama mga jologs!

hehehe

6:55 PM  
Blogger Jack said...

well, join ako dyan...nag iisa lang ang MG na natapos ko na chinovela from mg1 to mrain to mg2..minaraton ko yan ng ilang araw matapos ko lang panoorin at pinapaulit ulit pa rin... walang paki maging jologs man... hahahahaha

come to think of it din ah...isa pang kajologans ko... naalala ko noon tinatawag nyo akong shancai nung uso pa ang mg...ngayon naman tukso ng mga insan ko sa akin kalimutan ko na daw si martin maghanap na ako ng carlo ko...hahahahahaha...

grabe pati buhay ko ikumpara sa mga kajologans...hehehehe... mala-telenobela ang dating... pero isang lang ang #1...MG rocks!!!

5:50 PM  
Blogger min said...

hahaha! MG rocks nga! :D
berns! aliw na aliw ako dun sa naalala ko re: inis ko sa nanay ni dao at sa nanay ni carlo hahaha! as in, talagang gusto ko talagang batuhin ang tv!

oo, jack! isa kang shan cai na vivian :D

mabuhay ang mga jologs! :)

1:47 AM  
Blogger runawayangel said...

hmm...sino nga ba ang may kopya ulit nung buong series? gusto ko mapanood...hinde ko pa talaga siya napapanood ng buo. :(

8:36 PM  
Blogger min said...

alam ko si berni may kopya :) kaso nasa safety deposit box ata hahaha :P

10:22 PM  
Blogger runawayangel said...

hahaha...naka safety deposit box na ba? haay....uy, berns! di pa naman gasgas yung kopya mo? :p

5:42 AM  
Blogger mmmpatisey said...

hi ms.!bloghopping lang po...

mg rocks talaga!!hahaha!!!nakakaadik po un! hahaha...pero anyway, gusto ko lang idagdag,si martin din po magaling magdrums! hahaha...kung maeexplore niyo lang po ang aking computer,tyak...makikita niyo rin ang kajologan ko!hahahaha....sige po...:)-patricia t.

2:01 AM  

Post a Comment

<< Home