Tuesday, December 21, 2004

simbang gabi

sabi nga ng isang kanta pag malapit na mag-pasko...

simbang gabi
simula ng pasko
sa puso ng lahing pilipino
araw-gabi, kami'y gumigising
sa tugtog ng kampanang walang tigil
ding-dong, ding-dong...

maaga kami kinabukasan
maglalakad kaming akbay-akbay
babatiin ang ninong at ninang
ng maligayang pasko po
at hahalik sa kamay

hindi na ata makukumpleto ang pasko para sa kin kung di ako makapag-simbang gabi, actually, technically, sabi ng pari namin, kung anticipated mass ka nagsisimba ng 9 na araw bago mag-pasko, yun ang simbang gabi... bale misa de gallo (misa pag tilaok ng manok (gallo) ) pala ang sinisimbahan ko kasi tuwing 4 ng madaling araw

nagsimula ang pagmimisa de gallo ko nung high school, ang dami ko na ring "escapades" sa pagsisimba kong ito

- nariyang umupo ako bigla sa daan sa dami ng asong nagtatahulan na parang handang-handa akong sakmalin, sabi kasi nila ganon daw, dapat umupo para di ka masyado matangkad sa kanila tapos dumura raw.
- isang beses din habang pauwi galing misa, nakakita ako ng shooting star :) shoot! ang ganda :D di pa uso nun ang meteor garden... di ko alam kung nakapag-wish ako nun
- tapos syempre yung lamig ng hangin... brrr.. super talaga! tapos takbo pa ko nang takbo sa madilim na kalye kasi ma-l-late na ko
- last year lang, test days kasi sa holy pag mga ganitong panahon, may bigla na lang tumawag na ms. lagud! tapos students ko pala, nagtatanong tungkol sa permutation sa isang madilim na sulok sa labas ng simbahan hehe
- nung isang simbang gabi rin ako nagkabulutong, eh malay ko ba namang bumubuo rin ng simbang gabi yung nakatabi ko at malay ko rin bang may bulutong sya! :P
- favorite ko yung version ng "luwalhati sa Diyos" na kinakanta tuwing ganitong panahon
- at siyempre pa, kahit mukha na kong zombie na susuray-suray sa daan, go pa rin! tuloy papuntang simbahan, kahit 2 na ng madaling araw ako nakarating sa bahay galing sa EK last year at galing tagaytay from Habitat for Humanity nung isa pang taon para habulin ang 4 am na misa
- ano naman sa tingin nyo ang greatest fear ng isang bumubuo ng simbang gabi?? syempre, ang di magising sa pinakahuling araw ng simbang gabi/misa de gallo hehehe.. pag ganito, 3 alarm clock ang inaayos ko para sigurado :P

sabi nila pag nakabuo raw ng simbang gabi, pwede mag-wish, madalas daw pang-lovelife ang winiwish ng mga tao, ah ewan, basta ako, world peace :) at maging masaya ang lahat as in, lahaaaaaat ng tao sa pasko :D


3 Comments:

Blogger babyburn said...

maligayang pasko min!!!

10:50 PM  
Blogger Jack said...

Happy New Year Min!!!!
kakatuwa naman ang simbang gabi adventure mo!

11:18 PM  
Blogger min said...

happy and merry sa inyo rin berni at jack! sa awa ng Diyos, nakabuo ako ng simbang gabi :D -- bonus: sinama ko kayo sa wish ko ;)

5:10 PM  

Post a Comment

<< Home