Monday, October 18, 2004

wala na...

noong minsan, napadpad ako sa red ribbon, hinanap ko ang tuna casserole, waaaaahh!! wala na! akala ko sa branch lang na yun, but no!!! wala na talaga

kasama sa mga nakakamiss ay ang mga sumusunod:

wala na ang:
- milkshake ng mcdo - mmmmmmm....
- fanta softdrinks na ang gustung-gusto ko ay ang green apple at rootbeer
- jojo na candy - para itong frutos ngayon basta chewy at fruity
- chikadees at mga ka-contemporary na chichirya - lagi itong may libreng laruan - mapa-ghost zapper nung uso pa ang ghostbusters, glow in the dark pa nga yung tinatamaan na cardboard na marshmallow man eh :P o kaya ang mga maliliit na plastic na trumpo, o kaya yung gooey na parang bola na nags-splat pag tinapon tapos didikit sa dingding
- kao biore shampoo - ang bango nito! may logong maliit na crescent moon
- kadiwa stores - 70s at early 80s na pamana pa ni marcos, parang uniwide na wholesale stores, lagi kami dito nina mommy kasi mura, aliw na aliw pa ko sa exhaust fans nito sa may bubong, yung malalaking bilog na parang sinusuot sa ulo ng mga chef
- superwheel na detergent bar - wala lang, nakakapagtaka, biglang nawala, eh sikat na sikat ito nun!

talaga namang, you'll come to know the value of things when you lose them :P hehe

kayo? what's on your list? :)

12 Comments:

Blogger Jovan Puyo said...

Correction po. Meron pang Jojo na kendi. Sa katunayan, nagdala si Pebbles isang beses nung kumakain kami sa pantry. O ha! :)

6:11 AM  
Blogger babyburn said...

shempre min hindi pwedeng mawala sa listahan ang...

olah detergent... olah pinoh..pinong panlaba...
rolly polly...
camay soap... yung malasutla...
haba ballpen...lalo na yung sobrang laba...mga 3 feet...hehehe
at ang number one na nawala...magnolia ice cream saka yung mascot nya na parang cloud...si frozen delight... =(

8:28 PM  
Blogger min said...

ows talaga jovan?! may jojo pa?!?! san nakakabili nun? ganon pa rin ba ang packaging? gosh :)

berns, namulubi na siguro yung nagmanufacture ng haha-haba ballpen na super haba, ano kaya yun yung ginagamit sa sanduguan ng mga katipunero nun?! hahaha! anemic na siguro lahat sila! hahaha :D

6:28 AM  
Blogger tec said...

and you get to know the age of someone with the things that they're missing!!! XD joke lang po minmin!

meron pa bang funny friends? la lang.. kasi alala ko gustong gusto ko yung ballpen na yun kasi ang bango bango pag nagsulat.

11:16 AM  
Blogger min said...

hehehe... actually tec, napansin ko nga madalas 80s goodies ang nasa list hehehe

2:56 AM  
Blogger runawayangel said...

This comment has been removed by a blog administrator.

6:39 AM  
Blogger anneanne said...

munchees! kung meron man sa inayong may alam kung saan pa meron nito, please tell me!

11:27 PM  
Blogger Jovan Puyo said...

Ito ang trivia. Ang pangalan ng Magnolia mascot na parang cloud ay Howie. O ha!

Pandagdag sa listahan:

1. Iyong marshmallows na nasa cone tapos covered ng chocolate. Hindi ko na tanda ang tawag sa kanya. Basta alam ko naka-wrap in foil ang bawat isa.

2. McDonald's Banana Milkshake. Yes, meron po nito noon.

3. Ang mga mascots. Si Miko, ang mascot na milkshake ng Jollibee, at si Mayor McCheese ng McDonald's.

4. Ang malalaki at soggy mojos ng Shakey's. Iyong ngayon kasi maliliit at crispy na.

5. Refillable P10 iced tea sa Ateneo college cafeteria.

6. Sweden na ice cream brand.

7. Daisy chocolate drink na kalaban ng Magnolia Chocolait.

8. Ang mga magagarang yoyo ng Coca Cola.

9. Mga restaurants sa Katipunan - Potluck, Mama Pitz, Tita Amy's, Chocful of Nuts, Dayrits, Round Table Pizza, Greenwich, Huey's, Bun on the Run, Brown Derby, Abuelo's, Mango Brutus, Puzzle Point, Sweet Haven, Ang Lumang Craving's, Angelino's, at marami pang iba.

7:14 PM  
Blogger runawayangel said...

min, may kao biore shampoo pa...sa subic nga lang meron. pati yung neko na sabon ba yun? tsaka gee your hair smells terrific...:)

3:16 AM  
Blogger min said...

jovan! PUFFY CONE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

... yun yung tawag sa marshmallow na nasa cone na covered with chocolate favorite ko rin yun! :D

4:08 AM  
Blogger min said...

aba kat! :) isa ka rin bang nilalang na in search of the perfect shampoo o shampoo connoisseur ka talaga? :)

4:11 AM  
Blogger babyburn said...

shet ...yung puffy cones...

those were heaven to my eyes nung bata pa ko...pucha...hindi nga ako makabili kasi wala akong pera lagi...ang elusive!

the ultimate chichirya!

7:54 PM  

Post a Comment

<< Home