ALL dogs go to heaven
ahmm... medyo mahaba 'tong blog, pero sana may makapagtyagang magbasa :)
ALL dogs go to heaven... ito na lang ang sinabi ko sa sarili ko kanina nung namatay ang asong humigit-kumulang 10 taon naming kasama, si mitchie. sobrang nakakalungkot, totoo! :,( biruin nyo, 10 taon! isang dekada! high school pa ko nung naibigay sya sa amin. askal lang naman sya, wala namang tricks na maipagmamalaki, pero kahit tahimik syang namuhay, ang laki pa rin nyang kawalan sa pamilya. ang lalo pang nakakalungkot nahirapan sya bago sya mamatay. baka natatawa na kayo sa blog na 'to at sabihing 'nubato!? aso lang, no! hay, kung alam nyo lang... sa mga namatayan ng mga alaga dyan, alam ko alam nyo sinasabi ko.
mula nung namatayan kami ng tuta na itinatabi ko pa sa pagtulog ko nung bata pa ko, sinabi ko sa sarili na di na uli ako magiging malapit sa kahit anong aso. kaya mula 'non, minsan-minsan ko na lang lambingin ang mga aso sa bahay. ipinaubaya ko na lang sa kapatid ko ang sobrang pag-aasikaso sa mga aso. yung kapatid kong yun, grabe! hanggang ngayon nagpapaligo sa mga aso, madalas may pasalubong pang mga rubber-bones ba yun?! basta yung parang teether ng aso na pwede nila ngatngat-ngatngatin.
pero kahit yun nga, inilayo ko na ang sarili ko sa kanila, wala eh! sadyang nilikha talaga sigurong madaling mapalapit ang mga aso sa tao. kaya hindi ko na siguro makakalimutan nung namatay si mitchie kanina.
siguro 1 linggo na rin syang mahina. 2 araw na syang di makakain nang maayos. sinusubuan na nga lang saka pinapainom ng tubig na may asukal. kagabi, sooobrang hina na nya. pinagpuyatan na nga lang sya ni mommy at ng kapatid ko na ilipat-lipat ng lugar kasi narurumihan yung higaan nya dahil inilalabas nya yung konting nakakain nya. pero nung mga 3:00 ng madaling-araw kanina, narinig ko umungol -- 'yung hirap na hirap. di ko natiis, lumabas ako, bumubuntong-hininga sya -- yung malalim, talagang naghihingalo. namimilipit. alam ko may masakit sa kanya. bukod pa nga sa inilalabas nya sa bibig, dumudumi na rin sya. kung wala sya masyado nakain, alam nyo na kung ano yung idinudumi nya. natural, mabaho. pero tiniis ko. hinimas-himas ko lang sya, yun na lang magagawa ko eh. andun ako hanggang di na ko na sya naririnig na umiiyak nang malakas. awang-awa ako, naisip ko yung loyalty nya ng sampung taon. sapat na siguro yun para hindi na sya maghirap ngayong mamamatay na sya. kaya, sa maniwala kayo o sa hindi, napadasal ako ng rosaryo. sabi ko, kunin Nyo na po sya. tapos, ayun, di ko na nga narinig umungol, baka instant response to my prayer. grabe! iba! parang nasa tabi ka ng isang taong namamatay. tapos, iyak na ko nang iyak. :,( nadala ko pa nga sa trabaho, sobrang lungkot ko, mabigat sa pakiramdam.
ewan ko na lang pero, siguro sa tuwing maaalala ko kung pano sya nung namatay, mapapaluha ako


5 Comments:
i know the feeling minmin. sa akin, my beloved dog of 12 years died and talagang humahagulgol ako pagnaiisip ko sya. para bang namatayan ka rin ng isang mahal sa buhay kahit sabihin man nilang alaga mo lang yun. yeah... pets are a part of the family for us.
nakakaiyak naman min =(
may aso din akong namatay nung bata ako eh, sobrang love na love na love ko sha...tulad mo, nung namatay sha, parang ayoko na ring maging attached...mejo nadala ko sha hanggang ngayon. wala kaming aso sa bahay kasi ang gusto ko aso yung hindi tumatae saka hindi umiihi saka walang garapata...kaya stuffed toys na lang...acheche anubayan...kung san san na napunta
pero shempre hindi ko pa rin makakalimutan yung unang at tanging naging aso ko...
tec, sabi ko na nga isa ka sa mga mag-r-reply :)
berns, bukod sa stuffed toys, mag-alaga na lang tayo ng halaman, hehe.. at least pag namatay, oks lang ;)
salamat sa inyong 2 sa pakikidalamhati :)
teka min, ano nga bang pangalan ng aso mo?
chaka ba't yung aso ko sa province, 7 years lang ang buhay? tsk tsk.
hi janice! :) mitchie yung pangalan ng aso namin. (eto, trivia, tanda nyo dati, biglang nag-showbiz yung kapatid ni manilyn reynes? mitchie ang pangalan, hehe.. dun namin sya pinangalan) mahaba siguro talaga buhay nya kaya 10 years.. binalikan ko yung mga pictures na nandun sya. alala ko mga 2nd/3rd year high school pa ko nun, kaya rin siguro nahirapan sya mamatay dahil sobrang tanda na.
Post a Comment
<< Home