Tuesday, July 27, 2004

SONA 2004

SONA kahapon. Nadaanan ko na naman mga demonstrador, GABRIELA, Anak-Pawis, Katipunan ng mga Manggagawang Pilipino, atbp. habang nakasakay sa jeep pauwi. Nakakuha ng pansin ko ang mga nasa jeep ng GABRIELA. Mga lolang kumakain ng pananghalian -- oo, lola.. tumanda na siguro sa pakikipaglaban... sana may kinahantungan ang pinagkatandaan. Humahanga akong naaawa sa kanila.

Sa isang banda, may mobile clinic, serbisyong bayan ni Rep. Satur Ocampo ng Bayan Muna. Naisip kong kabilang sya sa mga naibotong party list. May Rep. nang titulo ang pangalan nya eh. Pero hanggang mobile clinic lang ba? Ba't parang marami pa ring hinaing ang di naipaparating? Baka naman di rin sya pinapansin sa Kongreso.

Sa mga ulat ng SONA, kadalasan kasama kung ilang beses pinalakpakan ang pangulo sa kanyang talumpati at kung gano katagal ang bawat palakpakan, maging ang standing ovation. Pero yun ba ang tunay na mahalaga?

Haay, Pinas! may pag-asa pa nga ba?!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home