matalino si mr. bean; mahusay si bob ong.
alien si mr. bean. di siguro yan alam ng iba. ganon siguro kaya kakaiba sya mag-isip at kumilos. (ipagtanggol ba? :P )
ang tagal-tagal na bago ipalabas ang mga unang episode ng mr. bean. sa abc 5 pa nga ata yun -- nung unang nagkaroon ng signal ang telebisyon ng mga Pilipino pag ipipihit ang dial (ang tagal na no? konti pa lang mga remote control kasi nun) at ilalagay sa 5. ngayon ata, may replays pa rin sa 23, tapos may animated version na sa dos. naaalala ko lagi yung isa sa mga kaibigan ko pag nakakapanood ako ng mr. bean. lagi kaming may rewind pagkapanood ng bawat episode :) nang mauso nga ang mga dvd, pinahiram pa nya ako ng mr. bean videos
matalino si mr. bean. meron syang paraan sa bawat sitwasyong kinakaharap nya. lahat nalulusutan nya. kung ordinaryong tao siguro, baka nagwala na. ang lamang pa ni mr. bean, nakakapagpatawa sya ng maraming tao :D biruin mo na lang, mapipinturahan nya ang isang buong kwarto sa loob ng ilang segundo, kaya lang sa pamamagitan ng mahabang oras na pagbabalot ng dyaryo ng lahat ng kasangkapan, pati na ang bawat piraso ng ubas, para 'pag pinasabog nya ang isang lata ng pintura, makukulayan na ang buong kwarto! ang kaso lang, maiiwan ang korte ng isang taong tumatakbo sa isang bahagi ng pader, dahil syempre kailangan nyang tumakbo pagsabog :P... at marami pa syang misadventures... basta, matalino si mr. bean :D
bilib ako kay bob ong, mukhang patawa lahat ang sinusulat nya, pero kung pag-iisipang mabuti, pilosopikal ang mga sinusulat nya. yun na nga lang "paboritong libro ni hudas", isang pagtanaw sa buhay at kamatayan ng tao, sa relihiyon, sa pananampalataya at sa Diyos sa isang napakamalikhaing pagsasalaysay. hmmm... para sigurong yung "meet joe black" na isang pelikulang may karakter na nagbibigay-buhay sa kamatayan.
naisip ko lang kung ano kaya kung parang ganito ang nakasulat sa yearbook ng mga graduates:
"Ipinanganak si Bob Ong sa lungsod ng Quezon dalawampu't-isang dekada at tatlumpu't-isang linggo matapos ang Palaris Revolt. Siya'y naging student #3910256, teacher, writer, web developer, at jay walker bago naging webmaster ng bobongpinoy.com. Nakapagsulat na sya para sa iba't-ibang dyaryo, magazine, website, at upuan ng bus. Nagkukuta sya ngayon sa isang bahay tatlong sakay mula sa Quezon City Hall."
- sipi mula sa ABNKKBSNPLAKo?!
mantakin nyo! alam nya ang Palaris Revolt!
P.S. nga pala, sumali ako sa yahoogroups ng bobongpinoy :P yung Palaris Revolt naman, ayun sa aking pananaliksik, ay isang pag-aalsang pinamunuan ni Juan de la Cruz Palaris noong 1762 hanggang 1764 na gumulantang sa probinsya ng Pangasinan. ito ay laban sa mga mapang-aping kastila. (hmmm... eh di, 1974 pinanganak si Bob Ong?! hehehe)


8 Comments:
mabuhay si bob ong! mabuhay si Mr. Bean! Mas gusto ko po yung original, ayoko ung cartoons corny na eh. haha walalng.
I agree!! Sa totoo lang po talaga, mautak si Mr Bean kahit may pagkasira ulo siya. Ginagawa niyang madali yung mga bawat sitwasyon. Haha :)
MISSSS!!! waah favorite ko po si Mr Bean at BoB Ong!haha nung bata ako nirerecord pa namin yung Mr. Bean episodes na pinapalabas sa tv tapos nagrerent pa po kami ng mga VHS! haha alien dahil nanggaling sa langit, nahulog sa spotlight at may kumanta. takot pa nga po ako dun sa intro na kanta, hanggang ngayon parin po!hahahaha HAAAAAAAY.
miss you missssss!!!!!!!
lagi naming naririnig ang boses niyo sa kabilang kwarto!haha
therese
*for commenting lang po tong blogspot*
http://ijustcantshutup.modblog.com
sa pagkakatanda ko, sa channel 4 nagsimula ang mr. bean. tapos lumipat sa 5 nung naging medyo kilala na sya ng konti. tapos ngayon sa 23 na sya. matalino nga talaga si mr. bean! alala ko yung episode na yun. pero di ba yung tumakbo, yung kapitbahay ni mr. bean? alala mo yung new year episode? yung pretzels nya twigs na galing sa bintana. yung wine niya suka. XDDDDD hehehehe. wawa yung mga bisita niya.
naku tec! kapitbahay nga ata nya yun!! hehehe... ibang klase talaga si mr. bean hahdha... dahil sinabi mo ang new year ang naalala ko eh nung episode ng pasko, naghulog sya sa mailbox nila sa bahay para may matanggap sya para sa sarili nya... aww... nakakaawa rin pala itong si mr. bean...
waaahh.. di ko matandaan yang christmas ep na naghulog sya ng sulat niya sa mail. T__T wawa naman. eh alala mo yung bumili sya ng sofa at isinakay niya sa ibabaw ng minika niya. tapos dun sya sa taas naupo. nagmaneho na mop ang pangapak sa gas at tali ang pang manibela niya. hahahahahaha. meron kayang dvd nito sa greenhills o quiapo. laughtrip sya sobra!
hinding-hindi ko makakalimutan yung ep na yun?!!!! di ba intro pa nun, naglagay sya ng dummy sa unahan ng pila, kunwari natulog magdamag para mauna lang sya sa discount ng shop kung san ang dami nya pinamili?! hahaha! the best talaga si mr. bean!
tsk, puro kasi animated na yung mr. bean dvd/vcds eh :( pero malay natin, baka meron :D
hi miss! hahaha. lalan. ONGA. si MR. BEAN po.. RESOURCEFUL.. kahit mei pagka weirdo.. pero ganun naman po tlga pag weirdo ka. xado ka imaginative at resourceful and creative. NYAHAHAHA.. =) si bob ong naman po.. asteegeen kc.. entertaining tlga yung mga libro nya. hahahaha! :D
Post a Comment
<< Home