Friday, July 15, 2005

mga taong nagdaan, mga taong nakadaupang-palad

sa pamagat, kung babasahin, halos pareho ang taon at tao. alam natin na ang taon ay ang panahon mula enero hanggang disyembre at ang tao nama'y nilalang ng Diyos. parang sinadya ng wikang Filipino na ipaglapit ang dalawang salitang ito.

napag-isip-isip ko lang ang dami ng taong lumipas na. nung bata pa ko, madalas akong sinasama ng aking ina sa mga children's birthday party. akala ko pa noon, lahat ay magkakaedad dahil madalas 7th bday ang napupuntahan ko. dumating ang panahon ng mga debut. hindi ko alam kung naging magkakapareho ang nasabi kong wishes sa mga nag-debut pag sinasama ako sa seremonya ng 18 candles. hanggang sa dumating ang panahong kasalan na ng mga kaibigan. eto na, iba't ibang kulay ng motiff! ipinapanalangin ko na lang na babagay ang maisusuot ko sa kasal na ito, at sa mga susunod pang kasal. kung sa bagay, di ba iba-iba naman ang mga bisita sa magkakaibang kasal na ito? pagkatapos, mga baby shower naman. nakakatuwa dahil halos mamemorya ko na ang infant section ng mga department store. at syempre, binyagan naman ang sumunod. naisip ko naman dito na dapat, lagi akong may dalang puting panyo. yung ibang mga bagong nanay at tatay kasi nalilimutan yung puting tela o bonnet na ipapatong sa ulo ng bata pagkatapos itong basain ng pari ng holy water. yung isa kong napuntahang binyag, lampin ang nilagay sa ulo. eh puro kuhanan ng litrato pa naman. at ayan, mga 1st bday party na! ngayon, kaibigan ko na ang mga nanay ng mga kinakantahan ng happy bday. dati kasi, ang aking ama't ina ang may kakilala sa mga magulang ng may kaarawan. maliban sa mga kaarawan ng mga anak at ng mismong mga kaedad ko, may mga napuntahan na rin akong mga 50th bday at 90+th bday. maging ang mga 25th at 50th wedding anniversaries. ito ang mga nakakabilib.

masasaya ang mga nauna kong nabanggit na okasyon. ang nakakalungkot, sa paglipas ng panahon, may mga malalapit na tao ang nagpapaalam, yung iba pansamantala lang, yung iba pangmatagalan. nitong linggo lang, nagpaalam ang isa sa aming tito. kahit kailan, di na namin sya makikita pag may mga pagtitipon tuwing pasko o kung merong may bday. hindi kailanman naging at magiging madali ang pamamaalam. madalas ko naiisip na mas mainam siguro talagang mauna na lang akong magpaalam kaysa ang kabaligtaran. kaya lang, in His time eh. Siya ang bahala. kung tutuusin naman, silang mga nauna naman ay buhay pa rin sa ating mga puso dahil magkikita-kita rin naman uli lahat sa Kanyang Kaharian.

patuloy na iikot ang mundo. pagkatapos uli ng mga 1st bday ay ang mga 7th bday, tapos debut, tapos...

...uulit lang ang lahat. ganyan nga ang mga tao parang mga taon.

2 Comments:

Blogger babyburn said...

hay... masaya't malungkot no?

ako din eh. gusto ko ako ang mauna kesa sa lahat ng mahal ko sa buhay pero yun nga wala naman tayong magagawa. alangan namang magpakamatay ako din ba? hahaha joke. pero di nga.

kaya mapapaisip ka talaga na napakahalaga ng mga oras na kasama mo yung mga "people that matter". kaya min, magresign na tayo! hahaha. anubayan puro sa joke nauuwi ang bawat argumento ko.

anyway, ganda ng blog. =)

bumubukol na naman ang lalamunan ko. in english. lump on my throat. hehehe

11:46 PM  
Blogger min said...

salamat berni, kala ko hindi ka-blog-blog ang sinulat ko eh :)

ika nga ng isang sikat na telenobela nung panahon nina julie vega, ang gulong ng palad nga naman! kaya ayun nga berni, ganon ata talaga, parang joke na hindi...

6:35 AM  

Post a Comment

<< Home