ano ba'ng ka-blog-blog?
wala akong isang matinong temang maisip isulat ngayon dito sa blog. naisip ko lang gamitin ang keyboard at tipahin itong parang mga tiklado ng piano para ipagdugtung-dugtong ang mga salita at makabuo ng isang sulatin tungkol sa mga kasalukuyang pananaw.
kung nagsasara ang blogger.com ng serbisyo para sa mga di madalas nakakagamit nito. malamang matagal nang nawala sa ere ang pahinang ito. (hmm.. sa'n kaya nakalagak ang lahat ng data sa mundo? ga'no kalaking server kaya meron ang youtube?)
ano ba'ng nararamdaman ko ngayon? (sana naman ka-blog-blog ito at karapat-dapat basahin) sige, ilista natin:
- natatakot sa accreditation ng SHS. gusto ko nang mag-ika-29 ng setyembre para matapos na ang lahat. (kung may PHD lang sana ako, magtuturo na lang ako sa graduate school para walang accre-accreditation. pero naman! di pa nga ako tapos sa MA, ang tayog namang pangarap!)
- nababagabag sa kaibahan ng mga mag-aaral noon ('nung mga kapanahunan naming mga naunang nag-aral) at ngayon (marami nga bang abala o katamaran lang?)
- naghahangad makarating sa cagayan de oro at makapag-rafting (eh, scuba diving kaya, kailan ko magagawa?)
- nasasabik mag-Pasko (lapit na ng simbang gabi!!!!! :D )
- gustong magkaroon uli ng international book fair at makapagbasa nang makapagbasa nang makapagbasa (pero hindi ng mga tungkol sa akademya)
mambabasa, kamusta ka naman? anong ka-blog-blog sa buhay mo ngayon :)


1 Comments:
Min, kung trip mong mag-rafting, i-consider mong pumunta sa Davao din. Nag-rafting kami doon at sobrang saya!
Post a Comment
<< Home